Huwebes, Oktubre 17, 2013

Ang Rebolusyong Pilipino



Ang Rebolusyong Pilipino ay Isa sa mga dahilan kung bakit tayo natatamasa ng Kalayaan ngayon.Kaya Dapat nating ipagmalaki ang mga bayaning nakipaghimagsik sa mga kolonyalistang Espanyol na sumakop sa ating minanahal na bansa, ang bansang Pilipinas. Ang mga dakilang bayani na ito ay isa sa mga namuno sa mga paghihimagsik na isinagawa para makamit ang ating kalayaan.


''Mga Paghihimagsik Na Isinagawa ng mga Pilipino'' 


''Ang Sigaw Sa Pugadlawi''

Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa Lungsod ng Qeuzon, Pilipinas. Dito ipinahayag ng Katipunan ang simula ng pakikipaglaban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan ng bansa. Pinunit ng mga Katipunero, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang kanilang mga sedula. Ang pagpupunit ng kanilang mga sedula ay tanda ng kanilang pagtutol sa batas na Tributo o Cedula Personal.
sila ay tumutol sa di makataong pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol. Ito ay ginanap sa bahay ng anak ni Melchora Aquino na isa rin sa ating mga magigiting na bayani.Napakahalaga ng pangyayaring ito sa ating kasaysayan. Ito ang opisyal na pagsisimula ng himagsikang Pilipino Laban sa mga Espanyol. Ipinakita ng mga kasapi nito ang kanilang kahandaan na magbuwis ng buhay upang mgakamit lamang na ating bansa ang Kalayaan  mula sa mga koloyalistang Espanyol kahit na sila ay kulang sa mga armas na pandigma. Ipinakita rin nila ang kanilang kakayahang magkaisa bilang isang bansa para sa mga kapakanan ng Pilipinas.






''Mga Pangyaari sa Kumbesyong Tejeros''






Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang Kapulungan ng Tejeros at Kongreso ng Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San Francisco de Malabon sa Kabite noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-unahang pampanguluhan at pang-ikalawang panguluhang halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kahit na ang mga Katipunero (mga kasapi ng Katipunan) at hindi ang pangkalahatang populasyon ang nakapaghalal.
Dagdag pa sa pagsabi ni Bonifacio na hindi katanggap-tanggap ang kinalabasan ang bunga ng halalang ito ay kahina-hinala na may mga paratang na ang mga balot na ipinamahagi ay sinulatan na ng halal at ang mga halal ay hindi ginawa mismo ng mga manghahalal.

 





              VS.



''Mga Pangyayari Sa Biak-Na-Bato''


Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang Republik ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong.


  ''Ang Proklamasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite''

Noong ika-5 ng Hunyo, 1898, nagpalabas si E. Aguinaldo ng isang dekreto na nagtatakda sa ika-12 ng Hunyo bilang araw ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas bilang isang nagsasariling bansa. Ang layunin ng nasabing pagpapahayag ay upang maging inspirasyon ng mga Pilipino na ipagpatuloy and pakikipaglaban sa mga Kastilang mananakop at upang ipaalam sa buong mundo na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.
Para sa nasabing okasyon, kinomisyon ni Aguinaldo si Julian Felipe, isang tanyag na kompositor sa Cavite, na lumikha ng magiging pambansang awit ng Pilipinas. Noong ika-11 ng Hunyo, natapos ni Felipe ang komposisyon at pinamagatan niya itong "Marcha Nacional Filipina".
Noong ika-12 ng Hunyo, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Cavite el Viejo (ngayon Kawit). Sa kauna-unahang pagkakataon, sa araw ring iyon, ang pambansang watawat, na ginawa pa ni Marcela Agoncillo sa tulong nina Lorenza Agoncillo at Josefina Herboza de Natividad, ay iwinagayway habang pinatutunog sa publiko ang panmbansang awit ng Pilipinas




''Ang Kongreso at Saligang-batas ng Malolos''

Ang Saligang Batasng Pilipinas o Konstitusyon ng Pilipinas (Ingles: Constitution of the Philippines) ang kataas-taasang batas ng Pilipinas. Ang kasalukuyang Saligang Batas ay ipinagtibay noong ika-2 ng Pebrero 1987 sa isang plebisito kung saang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalál (17,059,495 ) ang sumang-ayon dito, laban sa 22.65% (5,058,714) na bumoto tutol sa pagpapatibay nito.

  Ang Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong saligang batas sa Asya. Ito ay naghayag ang soberanya ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga pangunahing karapatang pantao, naghiwalay ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng Kapulungan ng mga Representatibo na umasal bilang katawang lehislatibo. Ito ay tumawag rin para sa isang anyong presidensiyal ng pamahalaan na ang pangulo ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat na taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at isinulat sa Kastila kaunod ng kalayaan mula sa Espanya at pinroklama noong Enero 20, 1899. Ito ay isinabatas at pinagtibay ng Kongresong Malolos na isinagawa sa Malolos, Bulacan.




Sa huli, tuluyan nang nakamit na sa wakas ng mga Pilipino ang kalayaan. Sa tulong ng ating mga magigiting na mga bayani na binuwis ang kanilang buhay upang makamit lang ang kalayaan ng ating minamahal na bansa. kaya dapat natin silang ipagmalaki sapagkat kundi dahil sa kanila, hindinatin makakamit ang kalayaang natatamasa natin ngayon.

21 komento:

  1. putangina ng website niyo walang kwenta

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wrong send po
      Pakibura na lang po

      Burahin
    2. ano ano po ba ang dahilan ng simula ng rebolusyong pilipino?

      Burahin
    3. Makamura ka nman dto sa website wagas. Gumawa ka kaya ng sarili mong website tas murahin ka nmen.

      Burahin
  2. IZZY XANDRINE here hahaha salamat sa idea yowwz.

    TumugonBurahin
  3. Salamat sa info, marami akong natutunan.
    Mabuhat po kayo.

    TumugonBurahin
  4. Magkano po ba ang ang bibigay ng spain sa rebulosyong pilipino?

    TumugonBurahin
  5. Thanks Po dito It help Po sakin ;)

    TumugonBurahin
  6. Ano ano po ang dahilan ng rebolusyong pilipino?

    TumugonBurahin
  7. Nawa patuloy kayong magpublish ng iba pang mahahalaga at makabuluhang mga impormasyon

    TumugonBurahin
  8. Salamat talaga grabe pagpalain ka nawa.

    TumugonBurahin
  9. Titanium Mens Ring - iTanium Art | TITanium Art | TITanium Art
    With a metal band, a drum pad, and an earbud in the middle of a titanium alloy padded seat, titanium mig 170 the Ring can be titanium dioxide used as a stand 1xbet login for any instrument (like a drum or drum edc titanium

    TumugonBurahin