Ang nasyonalismo ay inilalarawan bilang isang marubdob at mataos na
pag-ibig sa bayang sinilangan.Sa kasaysayan,ang pagkabuo ng ganitong
damdamin ay kaalinsabay ng masidhing hangaring magkabuklud-buklod at
maging malaya mula sa pakikialam ng mga dayuhang lakas.Ito ang
nagsisilbing pangunahing hakbang sa paghubog ng pambansang kamalayan at
sa pagtatampok ng angking kakayahan at identidad sa bansa.Ito ay
umuusbong sa kalooban ng mga taong nabubuhay sa isang tiyak na pamayanan
,nagbubuklod ng isang sentimyentong hinubog ng iisang
kasaysayan,wika,panitikan,pagpapahalaga,saloobin,tradisyon,pananaw,at
relihiyon. Ang nasyonalismo ay bunga ng rebolusyong pransesnoong ika-18
siglosa panahin ni Napoleon Bonaparte bilang reaksiyon sa
kolomyalismo.Pagsapit ng ika-19 na siglo,umusbong ang nasyonalismong
pilipino.
Simula noong natalo ng mga taga-Inglatera ang mga Espanyol, marami ang nabago sa ating bansa lalong- lalo na sa pagpapalakad ng ating ekonomiya.Gaya na lamang ng pabubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang kalakalan na nagsasaad na pwede nang mangalakal ang Pilipinas sa ibang bansa na ipinagbawal ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pamamahala.
Maging ang antas ng mga tao sa lipunan ay nabago rin, sapagkat pinayagan na ng mga taga-Inglatera na mag-aral sa ibang bansa ang mga anak ng mga mayayayaman at mga may-kayang Pilipino.
Subalit sa kasamaang palad, ang pamamahal ng mga taga- Inglatera sa Pilipinas ay hindi nagtagal. Muling bumalik ang mga Espanyol sa Pilipinas upang muling sakupin ito.Sila ay muling sumalakay at tuluyang napa-alis ang mga taga-Inglatera sa Pilipinas. Dahil dito, muling nagkaroon ng mga paghihimagsik ang isinagawa ng mga Pilipino.
Mga Kilalang Paghihimagsik na Isinagawa ng mga Pilipino
'' Ang GomBurZa'
Isa rin sa mga paghihimagsik na isisnagawa ng mga pilipino ay ang ''kilusang sekularisasyon''. ito ay ang paghihimagsik dahil sa hindi pinapayagan ng mga paring regular na mamuno o mamahala ang mga paring sekular sa pagbibinyag ng kristyanismo dito sa ating bansa. pinagbintangan ng mga kasapi ng kilusang ito ang tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora. sila ay binitay at pinugutan ng ulo dahil sa bintang na walang batayan.
''Ang Kilusang Propaganda o Kilusang Propaganda''
Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado saMadrid para sa layuningpampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin. Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--juan at Antonio--ang ilan sa mga kasapi dito.
Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na binuo noong Disyembre 13, 1888. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895 May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan
.
Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil nakaranas sila ng gutom sa Espanya, hindi sila pinakinggan ng mga prayle, hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang tugunan.
Ang ''KKK''
Ang himagsikang ito ay pinamunuan ng isang dakilang bayani na nagngangalang ''Andres Bonifacio''.Ang paghihimagsik na ito ay isa sa mga pinakakilalang himagsikang isinagawa ng ating mga kababayan na nagpapakita ng tunay na nasyonalismong Pilipino.
Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas niAndres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos mahuli ang mga pangunahing miyembro ng La Liga Filifina, na itinatag ni Dr. Jose Rizal, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga na binubuo ng mga middle class na intelektual o mga ilustrado ay nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol.Ito ay Binuo sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayon ay Claro M.Recto), Tondo, Maynila.
Ang armadong pakikibaka ng Katipunan ay nagsimula noong Agosto 1896 pagkatapos natuklasan ng mga awtoridad ang Katipunan. Sinisi ng mga Espanyol si Rizal, na itinuturing ng Katipunan bilang pangulong pandangal, sa paghihimagsik at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 1896, Ang pagiging martir ni Rizal, gayon pa man, ang nagdagdag alab sa rebelyon, at sinisigaw ng mga Katipunero ang Mabuhay si Dr. Jose Rizal! sa pakikidigma.
Si Teodora Patino, isang manunulat ng pahayagan ng Diario de Manila, ay ibinunyag ang tungkol sa Katipunan sa kapatid niyang si Honoria. Hinikayat ni Honoria ang kapatid na ikumpisal ang tungkol sa samahan kay Padre Mariano Gil. Nakipag-ugnayan si Padre Gil sa mga awtoridad at noong Agosto 19, 1896, nilusob ng mga Espanyol ang palimbagan ng Diario de Manila.
the content is good.. but you can still improve your organization..
TumugonBurahinbakit Namn Kawawa namn ang tatlong pare na sila gomez burgos at zamora
TumugonBurahinMGA PARING KATOLIKONG KASTILA GAMIT ANG KAPANGYARIHAN NG MABAGSIK, MAPANG-ALIPUSTA , MAPANAKOP, AT MAPANG APING KATOLIKONG GOBYERNO NG MGA PANAHONG YAON AY IPINAPATAY ANG KAPUWA NILA PARING KATOLIKO DIN NA HINDI NAMAN MGA KRIMINAL. NAG AANGKIN PA ANG IGLESIA KATOLIKA NA SILA DAW AY TUNAY NA KRISTIYANO. LOKOHIN NIYO ANG SARILI NIYO. DAPAT AMININ NIYO NA ISA KAYO SA PINAKA MALUPIT, MABAGSIK, PINAKA KRIMINAL NA RELIHIYON SA KASAYSAYAN NG MUNDO DAHIL SA DAMI NG MGA INOSENTENG TAO NA IPINAPATAY NIYO TULAD DIN NI DR. JOSE RIZAL NA PINABARIL NIYO SA LUNETA. HUWAG KAYONG MAG PANGGAP NA MGA ALAGAD NI CRISTO. ALAGAD NI SATANAS PUWEDE PA.
TumugonBurahin8
TumugonBurahinAng panget ng gawa niyo
TumugonBurahinLakas ng tama hahaha
BurahinPAANO NAG TAGUMPAY ANG MGA PILIPINO? AT MAKUHA ANG ATING KALAYAAN
TumugonBurahinPAANO NAG TAGUMPay ang mga PILIPINO SA PAG HIHIMAGSIKAN
TumugonBurahinlakas ng tama
TumugonBurahinAng alam ko huling binitay si padre jose burgos dahil may lahis iyang español/insulares kasi sa isipan ng mga español na trinaydor niya sila😞😞
TumugonBurahinTama o mali nasiraan ng loob ang mga pilipino sa sinapit ng tatlong paring martir
TumugonBurahinKawawa naman yung GomBurZa. Ang lupit nyo.
TumugonBurahinMasama ang mga espanyol dahail pinagbintangan ang gomburza dahil sa kanila
TumugonBurahinAlin sa kilusan ang nagpamalas ng nasyonalismo sa pilipinas? I'm confused.
TumugonBurahinang mga espanyol
Burahinnabitin ang texto at magkaiba yung nasa labas at nasa lobb ng google
TumugonBurahin