Linggo, Oktubre 13, 2013

Ang Kolonisasyon at Kristyanisasyon





 







 



Sa pagdating ng mga dayuhang mananakop dito sa Pilipinas, nagimbal ang katahimikan ng ating mga ninuno. Nakaranas sila ng pagmamalupit sa pamamahala ng mga Espanyol. Ang mga dyuhang mananakop ay may ibat-ibang layunin gaya na lamang na 3G's: gold, god and glory.Sila rin ay nagpatupad ng ibat-ibang batas tulad ng entrada, reduccion, doctrina na napasailalim sa estratehiyang tinatawag na ebanghelisasyon na pinamumunuan ng mga paring Espanyol o Prayle. Ang estratehiyang ito ay isinagawa sa mapayapang paraan at sinisimbolo ng krus. Ang Kolonisasyon naman ay isang estratehiyang isinagawa sa pamamagitan ng lakas-miltar na sinisimbolo ng Espada.Ilan sa mga batas na napasailalaim dito ay ang tributo, sistemang encomienda,bandala, monopolyo ng tabako, kalakalang gallleon at lalong-lalo na ang polo y servicio personal o sapilitang paggawa na nagdulot ng matinding kahirapan sa mga Pilipino. 

           Espada      VS.    Krus









Dahil dito, nakaroon ng ibat- ibang pakikibakang isinagawa ang mga Pilipino laban sa Mga Espanyol. Isa na

rito ang pag-aalsa ng mga taga- Bohol na pinamunuan ni Francisco Dagohoy na naitalang pinakamahabang pag-aalsa na may layuning maibalik ang kanilang katutubong Relihiyon. Subalit sa totoo lang, ang kanilang pag-aalsa ay maitatawag na patriyotismo dahil ang tunay na dahilan nito ay hindi binigyan ng isang pari ng
kristyanong libing ang kapatid ni Dagohoy. Ang pag-aalsang ito ay tumagal hanggang 85 taon.subalit kahit patay na si Dagohoy ay ipinagpatuloy parin ng kanyang mga tagasunod ang pakikibaka.






 Marami ring nagawang pakikibaka ang mga Pilipino. Dahil ito sa ayaw nilang maimpluwensyahan o mabinyagan ng kristyanismo na pinapalaganap ng mga Espanyol.

 











Ang mga Muslim sa Mindanao  ay
 nagkipag laban rin sa sa Dayuhang Mananakop. Isa sa mga lugar na nakibaka ay ang Sulu, ito ay pinamunuan ni Datu Dimansacay. Sa Maguindanao naman ay pinamunuan ni Datu Buisan at sila ay nagtagumpay. sa Jolo naman ay si Raja Bongsu. sa huli, hindi naisulat sa kasaysayan  ng Pilipinas ang mga Muslim dahil hindi naman sila tuluyang nasakop at naimpluwensyahan ng kristyanismo.
hindi man naimpuwensyahan ng Kristyanismo ang mga Muslim, may Iba paring tuluyang naimpluwensyahan ng kristyanismo na pinalaganap ng mga dayuhang Espanyol.









2 komento:

  1. You can elaborate further the different systems/policies of the Spaniards.. Aside from that, you can improve the organization of your page

    TumugonBurahin