Ang Rebolusyong Pilipino ay Isa sa mga dahilan kung bakit tayo natatamasa ng Kalayaan ngayon.Kaya Dapat nating ipagmalaki ang mga bayaning nakipaghimagsik sa mga kolonyalistang Espanyol na sumakop sa ating minanahal na bansa, ang bansang Pilipinas. Ang mga dakilang bayani na ito ay isa sa mga namuno sa mga paghihimagsik na isinagawa para makamit ang ating kalayaan.
''Mga Paghihimagsik Na Isinagawa ng mga Pilipino''
''Ang Sigaw Sa Pugadlawi''
Ang
Sigaw sa Pugad Lawin ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa Lungsod ng Qeuzon, Pilipinas. Dito ipinahayag ng Katipunan ang simula ng pakikipaglaban sa mga
Kastila upang makamit ang kalayaan ng bansa. Pinunit ng mga Katipunero, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang kanilang mga
sedula. Ang pagpupunit ng kanilang mga sedula ay tanda ng kanilang pagtutol sa batas na
Tributo o Cedula Personal.


sila ay tumutol sa di makataong pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol. Ito ay ginanap sa bahay ng anak ni Melchora Aquino na isa rin sa ating mga magigiting na bayani.Napakahalaga ng pangyayaring ito sa ating kasaysayan. Ito ang opisyal na pagsisimula ng himagsikang Pilipino Laban sa mga Espanyol. Ipinakita ng mga kasapi nito ang kanilang kahandaan na magbuwis ng buhay upang mgakamit lamang na ating bansa ang Kalayaan mula sa mga koloyalistang Espanyol kahit na sila ay kulang sa mga armas na pandigma. Ipinakita rin nila ang kanilang kakayahang magkaisa bilang isang bansa para sa mga kapakanan ng Pilipinas.
''Mga Pangyaari sa Kumbesyong Tejeros''

Ang
Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang
Kapulungan ng Tejeros at
Kongreso ng Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng hating
Magdiwang at
Magdalo ng
Katipunan sa
San Francisco de Malabon sa
Kabite
noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-unahang pampanguluhan at
pang-ikalawang panguluhang halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kahit na
ang mga Katipunero (mga kasapi ng Katipunan) at hindi ang pangkalahatang
populasyon ang nakapaghalal.
Dagdag pa sa pagsabi ni Bonifacio na hindi katanggap-tanggap ang
kinalabasan ang bunga ng halalang ito ay kahina-hinala na may mga
paratang na ang mga balot na ipinamahagi ay sinulatan na ng halal at ang
mga halal ay hindi ginawa mismo ng mga manghahalal.
VS.
''Mga Pangyayari Sa Biak-Na-Bato''
Ang
Republika ng Biak-na-Bato (
Kastila:
República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang
Republik ng Filipinas (
Kastila:
República de Filipinas) ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa
Pilipinas ng manghihimagsik na si
Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa
Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng
kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas,
ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang
pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero
at sa
Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa
Hong Kong.
''Ang Proklamasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite''
Noong
ika-5 ng Hunyo, 1898, nagpalabas si E. Aguinaldo ng isang dekreto na
nagtatakda sa ika-12 ng Hunyo bilang araw ng pagpapahayag ng kalayaan ng
Pilipinas bilang isang nagsasariling bansa. Ang layunin ng nasabing
pagpapahayag ay upang maging inspirasyon ng mga Pilipino na ipagpatuloy
and pakikipaglaban sa mga Kastilang mananakop at upang ipaalam sa buong
mundo na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.

Para
sa nasabing okasyon, kinomisyon ni Aguinaldo si Julian Felipe, isang
tanyag na kompositor sa Cavite, na lumikha ng magiging pambansang awit
ng Pilipinas. Noong ika-11 ng Hunyo, natapos ni Felipe ang komposisyon
at pinamagatan niya itong "Marcha Nacional Filipina".
Noong
ika-12 ng Hunyo, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan ng
Pilipinas sa Cavite el Viejo (ngayon Kawit). Sa kauna-unahang
pagkakataon, sa araw ring iyon, ang pambansang watawat, na ginawa pa ni
Marcela Agoncillo sa tulong nina Lorenza Agoncillo at Josefina Herboza
de Natividad, ay iwinagayway habang pinatutunog sa publiko ang
panmbansang awit ng Pilipinas
''Ang Kongreso at Saligang-batas ng Malolos''
Ang
Saligang Batasng Pilipinas o
Konstitusyon ng Pilipinas (
Ingles:
Constitution of the Philippines) ang kataas-taasang
batas ng
Pilipinas. Ang kasalukuyang Saligang Batas ay
ipinagtibay noong ika-2 ng Pebrero 1987 sa isang
plebisito
kung saang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalál (17,059,495 ) ang
sumang-ayon dito, laban sa 22.65% (5,058,714) na bumoto tutol sa
pagpapatibay nito.

Ang
Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong
saligang batas sa
Asya. Ito ay naghayag ang
soberanya ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga
pangunahing karapatang pantao,
naghiwalay ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng
Kapulungan ng mga Representatibo na umasal bilang
katawang lehislatibo. Ito ay tumawag rin para sa isang
anyong presidensiyal ng pamahalaan na ang
pangulo
ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat
na taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at isinulat sa
Kastila kaunod ng kalayaan mula sa
Espanya at pinroklama noong Enero 20, 1899. Ito ay
isinabatas at pinagtibay ng
Kongresong Malolos na isinagawa sa
Malolos, Bulacan.

Sa huli, tuluyan nang nakamit na sa wakas ng mga Pilipino ang kalayaan. Sa tulong ng ating mga magigiting na mga bayani na binuwis ang kanilang buhay upang makamit lang ang kalayaan ng ating minamahal na bansa. kaya dapat natin silang ipagmalaki sapagkat kundi dahil sa kanila, hindinatin makakamit ang kalayaang natatamasa natin ngayon.